Mainit na pinaguusapan ngayon ang pangalan ni Heaven Peralejo matapos siyang masangkot sa isang isyu.
Nagsimula ito ng magpost si Devon ng makahulugang mensahe sa kanyang instagram account. Makikita naman na may mga fans na nagtag sa opisyal na instagram account ni Heaven sa comment section.
"The tounge may hide the truth but the eyes never. I asked God for a sign but I witnessed it for myself." Ito ang isinulat ni Devon sa kanyang caption.
Kasama nito ang isang larawan na tila ba may malalim na ibig sabihin.
Sa comment section, iti-nag ng kaibigan ni Devon na si Kyra ang instagram account nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada na may kasama pang clapping emoji.
Dagdag pa rito, ang kapatid naman ni Devon na si Dhemy Seron ay nag komento rin at nagpost sa kanyang IG stories patungkol sa post ng kanyang kapatid na tila pinapatamaan sina Kiko at Heaven.
Magkatrabaho ngayon sina Kiko at Heaven sa isang iWant series na Bagong Umaga.
Kasama nila rito sina Barbie Imperial, Michelle Vito, Tony Labrusca, Yves Flores at Kiko Estrada.
Bagamat ang kapareha ni Kiko sa nasabing palabas ay si Michelle Vito, sinasabing dahil sa proyektong ito kaya naging malapit sa isa't isa sina Heaven at Kiko.
Sa kabilang banda, may isang in-upload si Heaven na video noon at sinabi nya noon na mayroon siyang paghanga kay Kiko ngunit ng mga panahong iyon ay may relasyon na ito kay Devon.
Gumawa siya ng sarili niyang version ng 'Totropahin o Jojowain' challenge. Sasagutin niya na jojowain kung nais nyang magkaroon ng relasyon sa taong ipapakita sa kanya o totropahin kung nais nya lamang itong maging kaibigan.
Nung napili niya ang pangalan ni Kiko inamin agad ni Heaven na crush na crush nya ang binata.
"Actually, crush ko siya dati. Hindi alam ng tao 'yon. Sabi ko Ma, ang gwapo talaga, crush ko talaga to dati. Dati pero may jowa sya so totropahin. Respect."
Marami ngayon sa mga taga hanga ni Devon ang pinapanood muli ang nasabing vlog ni Heaven.
Source: The Philippine Times