Unti-unti ng nagiging bukas sina Ellen Adarna at Derek Ramsey sa kanilan relasyon.
Matapos nila itong ilantad sa publiko, ay mas naging malaya ang dalawa na ibahagi ang kanilang mga saloobin tungkol dito.
Sa isang panayam sa dalawa ng PEP.ph na in-upload sa Youtube channel nito, magkasamang sinagot ng dalawa ang mga tanong sa kanila.
Ang PEP ang unang naglabas ng balita na opisyal na ngang magkarelasyon ang dalawa.
Matatandang mariing itinatanggi ng dalawa ang kanilang relasyon simula ng kumalat ang kanilang mga larawan sa social media. Hanggang ang isang showbiz insider ay nakapanayam na nga sila at napaamin sa totoong estado ng kanilang mga puso sa mismong bahay ng aktor sa Ayala Alabang.
Sa video na kanilang in-upload makikitang nagdadalawang isip pa ang dalawa na sagutin ang mga katanungan ng interviewer.
Nagtatawanan at naghaharutan pa ang dalawa sa kung sino ang sasagot ng mga diretsong tanong sa kanila.
"Kayo na?" tanong ng interviewer, ngunit tawa lang ng tawa ang dalawa. Mapapansing namumula at tila kinikilig si Ellen.
Nung umpisa ay hindi nila sinasagot ang mga tanong sa kanila, kung kaya't tinanong na lamang sila kung paano sila nagkakilala.
Sinagot ni Derek na sa isang common friend lamang sila nagkakilala ngunit nakatakda sana sila noong gumawa ng isang pelikula.
Nagkita ang dalawa sa pamamagitan ng co-star ni Ellen na si John Estrada.
Si John at Ellen ay mayroon sitcom na kanilang pinagbibidahan sa ngayon ito ang John En Ellen ng TV5. Sinabi ni Derek na inimbitahan sya ng kaibigang si John sa Shangri La kung saan may roon silang meeting ni Ellen.
Nagkita na nga ang dalawa at naisipan ng aktor na mag-host ng isang dinner party. At dito na nga nagsimula ang lahat.
Habang naku-kwento si Derek tungkol sa kanilang pagkikita. Mapapansin naman si Ellen ay tuwang tuwa at namumula sa lahat ng sinasabi ng kanyang nobyo.
Narito ang buong panayam sa dalawa.
Source: The Philippine Times