Sunday, March 7, 2021

Billy Crawford, may prankang mensahe sa mga taong hindi matanggap ang kanyang paglisan sa ABS-CBN!

0

 May mensahe si Billy Crawford sa mga artista na mayroong sama ng loob sa kanya dahil sa pag alis sa ABS-CBN.

Simula ng mawalan ng franchise ang isa sa pinaka malaking network sa bansa, ang ABS-CBN, marami sa mga Kapamilya artists ang piniling lumipat sa ibang networks.


Isa na rito si Billy Crawford. Matapos ang nangyaring lipatan, marami sa kanyang mga taga hanga ang talaga namang nagulat sa desisyong ito ng in-demand host.

Si Billy ay isa sa mainstays ng noontime show na It's Showtime.

Ngunit tila ba marami ang nagtatampo matapos nya piliing umalis ng Kapamilya network para sa kanyang pamilya.

Wala namang direktang mensahe si Billy sa lahat ng may sama ng loob at tampo sa kanya.

"Hindi naman ako nagburn ng bridge somehow."

Ipinaliwanag niya na tapos na ang kanyang kontrata bago pa magshutdown ang kumpanya.

"Actually, bago pa matapos yung franchise ng ABS or hindi pa na-renew yung franchise, natapos na yung kontrata ko sa ABS."

Sinabi ng batikang host na naiintindihan niya ang kanyang mga kapwa artista na may mga tampo sa kanya.

"So sa mga nagtatampo sa akin, siguro normal naman yun."


"Pero sa tagal tagal ko naman sa industriya, alam nyo namang galing ako sa 7, pumunta ako ng 2, nagkashow ako sa 13, naikot ko na yata lahat." Saad ni Billy.

Sa katunayan, mayroon parin namang komunikasyon si Billy sa kanyang mga kaibigan sa ABS-CBN.

Sinabihan pa umano siya ng kanyang kaibigang si Luis Manzano na sya na ang magho-host ng bagong edisyon ng Your face Sounds Familiar. Matatandaang ito ang huling hosting project ni Billy sa Kapamilya network.

Ipinaliwanag na ni Billy ng maraming beses sa lahat ang kanyang desisyon. At pinaninidigan nya umano ang kanyng desisyong ito para suportahan at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.







Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment