Simula ng dumating ang panahonng pandemya, marami na ang nagbago sa ating pamumuhay. Naapektuhan halos ng ating gawain sa araw araw tulad ng pagpunta sa mga establisyamento, pakikisalamuha sa ibang tao at pagalabas ng bahay.
Ito na nga ang tinatawag na 'new normal' bawat kilos natin ay dapat naayos sa mga health protocols na ipinapatupad ng ating pamahalaan dahil sila ang ang nakaalaga sa pagkontrol ng pagkalat ng v!rus.
Sa tuwing tayo ay lalabas kinakailangan nating mag suot ng facemask at faceshield lalong lalo na kung nais mong pumasok sa mga establisyemento. Ipinatutupad ito hindi lamang sa ating bansa kundi sa lahat ng panig ng mundo.
May isang hindi inaasahang pangyayari na naganap sa bansang Bolivia. May isang babae na namimili sa isang grocer store ngunit siya ay sapilitang pinalabas ng mga staff ng Pick 'n Pay super market sa kadahilanang wala siyang suot na facemask.
Hindi pumayag ang customer na lumabas ng supermarket. Mahigpit ang ipinatutupad ng protocol ng tindahan kung kaya't pinakiusapan nilang muli ang babae na lumabas upang hindi narin madismaya ang iba pang mamimili.
Nang magbabayad na ang nasabing customer sa kahera ay muli itong pinayuhan na lumabas na lamang kung ayaw nitong magsuot ng facemask.
Ngunit tila walang naririnig ang babae at ayaw parin niyang lumabas sa nasabing tindahan dahil tapos na aniya siyang mamimili at magbabayad na lamang.
Patuloy parin ang pakikipagtalo ng babae sa mga security officers, mahahalatang ito ay nagagalit na rin. Maging ang ibang mga customers na naroon sa gorcery store ay naiinis narin sa pagmamatigas ng babae.
Di inaasan ng lahat ang ginawa bigla ng babae. Bigla na lamang itong yumuko at dinukot ang kanyang suot na underwear sabay nilagay nya ito sa kanyang mukha upang gawing facemask.
Gulat na gulat at hindi makapaniwala ang mga customer na nakasaksi sa pangyayari, maging ang kumukuha ng video ng babae ay natawa na lamang dito.
Samantala, makikita naman sa video na tila nakahanap ng kakampi ang babae dahil may isang customer na pinagtanggol pa siya sa mga security guard.
"Personally, I find that acceptable." Paliwanag ng babae habang nakikipag usap sa mga security guard ng establisyemento.
"It's a mask. Quite frankly I think the bacteria on your knickers is less than on the mask. So well done to you. Brilliant." Saad pa nito.
Source: The Philippine Times