Hindi na maitatago at mahahadlangan ang relasyon ng singer-actress na si Cherry Lou sa mas nakababatang aktor na si Phytos Ramirez.
38 anyos ang aktres na si Cherry Lou samantalang 25 anyos naman ang aktor na si Phytos. 13 taon ang kanilang agwat.
Proud ang dalawa na ipakita ang kanilang pagmamahalana sa publiko.
Nagpost si Cherry Lou ng isang larawan na magkahawak ang kamay ng isang lalaki at babae.
Nilagyan lamang niya ito ng caption na asul na puso at isang unggoy na nakatakip ang bibig nito.
At nagpatuloy nga si Cherry Lou sa pagpopost tungkol sa isang lalaki na nagpapasaya umano sa kanyang puso ngunit hindi nya ito ipinakikilala sa madla.
Ngunit sa mga caption nito ay talaga namang pinapakita niya kung gaano niya kamahal ang misteryosong lalaki.
Hanggang sa ipinakita na niya ang screenshot ng kanilang videocall ni Phytos nitong nakaraang Disyembre 2020.
Sinabi ni Cherry Lou na regular ang kanilang komunikasyon ni Phytos kahit na panahon ng p4ndemya.
"Thank you for deciding that i am the person that u put all ur effort and energy into.
thank you for always giving everything u got into us ..i love you" Saad ni Cherry Lou.
Source: The Philippine Times