Maraming natatanggap na hindi magandang komento si Jake Cuenca sa ngayon.
Ito ay matapos niyang i-prank ang kanyang kasintahang si Kylie Versoza.
Sa kanyang Instagram, nagpost ang kapamilya actor ng isang maikling video mula sa kanilang vlog.
Nagbakasyon ang magkasintahan sa Palawan.
Sa nasabing video, makikitang nasa loob ng isang heart-shape petals of flowers si Kylie. Ito ang normal na nakikita o set-up sa tuwing magpo-propose ang isang lalaki sa kanyang kasintahang babae.
Sinabi ni Jake na, "So, I prepared this because I just wanted to ask you something..." Saad ni Jake
Namula at biglang sumaya ang mukha ni Kylie na tila umaasa na may sasabihing importante ang kanyang kasintahan-- na magpo-propose ito.''
"kumain kana ba?." Dagdag pa ng aktor. At sabay silang tumawa sa sinabi ni Jake.
Nagpasalamat ang aktor sa inihandang get away beach trip na inihanda ni Kylie para sa kanilang dalawa.
Kahit na biro lamang ito. Marami ang hindi nagustuhan ang ginawa ng aktor sa kanyang kasintahan.
Kahit na ang ibang mga celebrities ay inakalang magpo-prospose ang aktor kay Kylie.
Source: The Philippine Times