Thursday, February 18, 2021

Isang online streamer, natulog lang magdamag sa kanyang live stream kumita na agad ng 800k!

0

Ngayong panahon ng p4ndemya, maraming tao ang hindi makalabas o limitado parin ang pwedeng gawin at paglibangan. Kung kaya't marami ang nahuhumaling na maglibang sa pamamagitan ng pag gamit ng social media gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa.

Marami ring mga tao sa ngayon ang nahuhumaling gumawa at manuod ng mga vlogs ng kanilang mga paboritong mga vloggers. Sa ganitong paraan ay nakakapagpalipas sila ng kanilang oras habang nalilibang.


Usong uso rin ngayon ang live streaming ng mga laro ng mga kilalang personalidad sa Facebook o sa Twitch sa ganitong paaran ay nakakapagbigay na ng saya ang mga streamers sa kanilang mga viewers at kumikita pa sila.

Habang marami sa ating mga kababayan ang talaga namang todo kayod at halos hindi na natutulog ngayong mga panahong ito upang kumita kahit maliit na halaga may mga tao namang tila kayang kayang gawin ito ng hindi man lamang nahihirapan.



May isang Twitch streaming sa Amerika ang tumiba ng $16,000 o halos Php.800,000 dahil lamang sa ginawa niyang pag tulog.



Ayon sa isang balita, kinuhanan umano ni 'Asian Andy' ang kanyang sarili habang natutulog at naglalive stream.


Ngunit hindi lamang basta pagtulog sa kanyang live stream ang kanyang ginawa. Dahil naglagay siya ng mga pakulo rito. Maari syang bulab.ugin ng kanyang mga viewers gamit ang text-to-speech recognition.

Ang bawat tunog nito at mensahe na malakas na binabasa ay katumbas ng bawat donasyon na umabot ng $16,000 sa loob lang ng magdamag.


Puyat lamang ang naging kapalit ng kanyang kinitang limpak limpak na pera.

Maraming viewer ang kumagat sa pakulong ito ni Asan Andy sapagkat marami sa kanila ang nagpatugtog, gumamit ng pekeng tahol ng aso, at nagpatugtog ng alarm clock upang siya ang maistorbo sa pagtulog at magising.


Hindi inaasahan ng streamer na si Asian Andy ang naging pagtangkilik ng mga taga subaybay ng kanyang live stream noong araw na iyon at nagpasalamat siya na marami umano ang naging mapagbigay sa kanyang mga viewers.



Si Asian Andy ay dating driver sa isang ride-hailing firm at kumikita nga $16 kada oras. 

Dahil umano sa gimik nyang ito, naging popular ngayon sa Twitch ang "sleep stream". Ito ngayon ay ginagamit na ng mga online streamers at lifestyle casters.




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment