Sa panahon ngayon usong uso ang pagtitinda o pagbebenta ng ari-arian online. Normal na ang ganitong kalakaran lalot panahon ng pandemya.
Ngunit agaw atensyon sa mga netizens ang hindi normal na pag aalok at pagbebenta ng babaeng ito. May roon siyang house and lot na ibinebenta ngunit hindi lamang iyan ang pwedeng makuha dahil may mga freebies pa umano ang sinumang bibili ng kanyang bahay at lupa.
Kinilalang si Ayu Novi Astiana, 31 anyos mula West Bandung, Indonesia.
May dalawang anak na babae si Astiana at hiwalay siya sa kanyang asawa.
Ibinibenta niya ang kanyang 52sqm na 2 storey house sa halagang IDR250 million o halos nasa PHP850,000.00 ang nakakagulat dito ay kasama siya pati ang kanayang mga anak bilang freebies.
“The idea came from my neighbour who said that since I wanted to sell my house, why not just find a husband at the same time? I was embarrassed at first but then after thinking about it, why not give it a try?”
Aniya pa wala talaga sa isipan niya ang naturang "promo" pero napag isip-isip niya na mabuti nadin siguro ang ganun lalo na kung ang lalaking makakabili ng bahay niya ay compatible sila.
"If the house is sold and the person who buys it matches me, why not become my husband too?"
Paliwanag niyang walang pwersahan naman sa extra offer niya pero kung tatanggapin man ito, hiling niya na sana responsable at tanggap at mamahalin silang mag-iina.
"I don't want [the marriage] to fail again. I was previously only married for four years and eventually divorced."
Source: The Philippine Times