Friday, February 5, 2021

Bagong nagpapasaya sa puso ni Clint Bondad usap usapan ngayon sa social media!

0

Totoo nga bang may bagong pag ibig si Clint Bondant?


Ito ang tanong ng nakakarami at sumusubaybay sa buhay ng dating nobyo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos itong mamataan na may kasaag ibang babae.


Nito lamang ay nagupload si Clint ng larawan ng isang babae sa kanyang instagram account. Makikitang foreigner ang babae at mayroon siyang instagram name na @mia.me7.

Nitong February 1 lamang ay unang nag upload si Clint ng larawan nilang dalawa. Makikitang nasa parking lot ang dalawa. Makikita sa caption na naglagay lamang siya ng mga emojis tulad ng laughing, wacky and water emojis.


Matapos ang araw na iyon ay nag upload muli ang binata ng larawan ni Mia. Nakaupo ang dalaga sa isang bench at makikita ang isang maganda ta malinis na lake sa likod niya.


Mahahalata na nasa ibang bansa ang dalawa, ngunit hindi naman nakalagay sa post ni Clint kung anong bansa ito. Marami sa mga followers ni Clint ang napapaisip dahil si Mia lamang ang tanging fina-follow nito sa kanyang instagram account.

Ganito rin ang ginawa niya noon nung magkasintahan pa sila ni Catriona Gray.



Matatandaang si Clint ang dating nobyo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray bago pa maging magkasintahan sina Catriona at Sam Milby.

Isa rin syang dating Kapuso Actor na gumanap sa ilang mga GMA series na Love You Two kung saan bida sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Samantala, marami sa followers ng binata ang ang nagtatanong sa kanya kung itong si Mia na nga ang bagong nobya niya. Ngunit marami narin ang tila ba sigurado na si Mia na nga ang bagong nagpapatibok sa puso ni Clint.










Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment