Friday, January 15, 2021

Sheryl Cruz, deretsahang inamin na handang mainlove sa young actor na si Jeric Gonzales

0

Pag dating sa pag ibig, age doesn't matter. Ito ay matandang kasabihan na palagi nating naririning madalas.


Hanggang sa ngayon, yan ang palagi ang linya ng mga taong nagmamahal na malaki ang agwat ng edad. Tulad na lamang ng mga celebrities na ito na naniniwalang love doesn't matter pag dating sa isang relasyon.



Para sa mga sikat na personalidad na sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales, hindi hadlang sa kanila ang edad kung papasok man sila sa isang relasyon.


Sina Sheryl at Jeric ay magkasama ngayon sa isang teleserye sa hapon ng GMA na "Magkaagaw". Ang kanilang mga karater ay may tinatagong relasyon.


Si Sheryl ay 48-anyos na samantalang si Jeric ay 28-anyos naman.



Sa totoong buhay ay matagal na silang nali-link sa isat isa. Ngunit pareho naman nilang pinapabulaanan na sila ay magkarelasyon.


Nito lamang ay nagkaroon ng press conference ang cast ng  naturang programa. Dito ay tinanong sila kung "age doesn't matter" nga ba sa isang relasyon.

Sumagot ang kapuso actress na,


“Well, actually that is very… it’s a very challenging question to answer.


“But ako naman, from my point of view, since I already experienced being married and being out of a marriage, and being single, so it depends.”


Si Sheryl ay ikinasal kay Norman Bustos noong 1996 ngunit nag-file sila ng divorce 2008.


Si Norman ay nagtatrabaho bilang sheriff sa San Francisco, California nung sila ay nagkakilala ni Sheryl.



Patuloy ng aktres na hindi hadlang ang agwat ng edad sa dalawang nagmamahalan basta wala kayong natatapakan o nasasaktang ibang tao.



Ganito rin ang naging sagot ng binatang si Jeric.



“Sa tingin ko hindi [nagma-matter ang age],” Saad niya.

“Katulad ng sinabi ni Miss She, it depends sa perspective ng tao talaga, e.

“Naniniwala kasi ako na hindi age, e.



“Pag na-in love ka sa isang tao, it doesn’t matter.

“Ang mahalaga dun masaya ka, ‘tapos, ayun, nakita niyo yung mundo ng isa’t isa, yung happiness ng isa’t isa, nagkasundo kayo.” paliwanag nito.



Sa huli ay nilinaw naman ni Sheryl na magkaibigan lamang sila ni Jeric.




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment