Hindi pa nga ba tapos ang kas0 ng FA na si Christine Dacera? Muli nanamang nauungkat ang istorya ng pagkawala ng dalagang ito.
Ito ay matapos ilabas ng PN ang ikalawa at huling resulta ng medico legal ni Christine nitong Miyerkules ng gabi January 27.
Ayon sa report, may mga nakitang iregulidad sa ginawang aut0psy report na inilabas ng Philippine National Police.
Hindi sumasangayon ang kanilang abogado na si Atty. Roger Reyes sa lumabas resulta ng medico legal na ginawa ni Police Lt. Col. Joseph Palmero na ginawa noon January 11.
Narito ang pahayag ni Reyes sa kanyang pahayag sa ABS-CBN Teleradyo.
“The medico-legal report ni Dr. Palmero is not a medico-legal examination, dahil sa ‘yung bangkay ni Christine eh nalibing na noong January 11 (Because Christine’s body has already been buried by January 11). It was buried on January 10 so there was no way he could have examined the body on January 11.”
Sa kabilang banda, sa naturang report ng PNP lumabas na natural ang naging sanhi ng pagkawala ng flight attendant. Kung nasabi ng mga ito na wala talagang kr!men na nangyari noong gabing iyon.
Ngunit kinokontra ito ng kampo ng mga Dacera dahil pinagbabatayan nila ang mga larawan na may mga pasa at sugat si Christine sa kanyang katawan.
Tinatanog rin nila kung bakit hindi ito nakasama sa eksaminasyon na ginawa sa dalaga.
“Hindi lang dahil sa sequence chain or procedure, but talagang we believe there is an intent to cover-up the cause of the death of Christine Dacera,” Saad ni Reyes.
Sa madaling salita, sinasabi ng pamilya Dacera na hindi pa umano tapos ang kaso at nag iintay pa sila ng resulta ng ikalawang Aut0psy na kanilang hiniling sa NBI.Source: The Philippine Times