Friday, January 29, 2021

Panindang hipon ng kawawang lola, itinapon lang ng mga tanod!

0

Sa panahon ng pandemya marami ang nakakaranas ng kahirapan sa ngayon. Kung kayat bawat singko na ating kinikita ay mahalaga upang mairaos ang isang araw para sa ating pamilya.

Simula ng magdeklara ng lockdown ang ating pamahalaan marami na ang talaga namang nahirapan sa kanilang buhay at humahanap ng diskarte kung paano kikita sa araw araw.

Dahil sa liit ng ayudang nakukuha sa pamahalaan, hindi pwedeng iasa ng mga tao ang kanilang sarili at pamilya dito. Kinakailangan talaga ang pagbabanat ng buto upang kahit papaano ay may maihatid sa pamilya.

Isa na rito ang naging kalagayan ng isang lola na nagmula sa Malingas, Dagupan. Kahit sobra na sa kantandaan at kailangn ng mamahinga ay nagawa pa ng pobreng lola na maghanapbuhay para sa kanyang pamilya. Si lola ay nagtitinda ng hipon sa palengke sa Dagupan.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, namataan si lola ng mga rumorondang tanod ng barangay. Tila ba walang mga pakundangan at walang awa ang mga ito na itapon ang mga hipon na tinda ng kawawang matanda. Sa halip na pagsabihan at paalisin lamang ito ay sinayang lang nila ang mga panindang hipon nito.



Ayon sa mga concered citizens na nakakita sa pangyayari, nagtitinda ng hipon si ang matanda sa gilid ng sidewalk dala ang kanyang mga balde at tray na lagayan ng mga hipon.

Bagaman sinabihan na ang matanda na wala syang maayos na stall, kaya hindi sya pwedeng magtinda hipon sa nasabing lugar.

Nagmamakaawa ang matanda na payagan siyang magtinda sa lugar na iyon dahil hindi na nya umanong kayang lumayo pa ng pwesto at tanging pagtitinda lamang ang kaya niyang gawin.



Ngunit tila manhid at walang narinig ang mga tanod sa nasabing lugar. Hindi nila pinagbigyan ang munting hiling ng matanda. Hindi nalang nila ito biigyan ng ibang lugar na maaring pagtindahan bagkus at sinayang nila ang pinuhunan ng matanda sa paninda nito.

Nagalit ang mga tanod at pwersahang pinaalis ang matanda na muntikan pang masaktan sa kanilang ginawa. Itinaob nila ang baldeng dala nito upang magtanda at di na bumalik ang matanda.

Napahagulgol na lamang si lola at napaluhod habang pinupulot ang kanyang mga paninda.

Hindi nagtagal ay may mga tumulong kay lola upang pulutin ang mga paninda nito upang kahit papaano any mapakinabangan pa ito.



Maraming netizens ang nagpahayag ng galit at pagkadismaya sa mga walang awang barangay officials na gumawa nito kay lola. Karamihan sa kanila ay humihingi ng hustisya upang pananagutin ang di angkop na pagtrato sa matanda na nais lamang kumita ng kaunti upang may maipangbili para sa kanilang mga pangangalangan sa araw-araw.


Narito ang ilan sa mga komento.








Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment