Saturday, January 9, 2021

"Katas ng Donekla" Donita Nose, Ibinahagi ang malaking tagumpay ngayong bagong taon 2021!

0

Sinimulan ni Donita Nose ang bagong taon ng mayroong bagong bahay.

Ipinakita ng sikat na komedyante na si Donita Nose o Rodello Juntos Solano sa totoong buhay, kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Super Tekla o kilala rin sa tawag na Romeo Librada ang bago nitong bahay.


Sa kanilang pinakabagong video sa youtube, Binisita ng dalawa ang bahay ni Donita. Sinabi ni Tekal sa video, “eto ah…. One of the achievements ng Donekla, siyempre ang beshie ko na si Donita Nose ay mag bubukas ng kaniyang valur. We’re all ready, we’re all set. Siyempre may kwarto ako dun parang bahay bakasyunan.”


Ipinakita ni Donita sa kanyang kaibigang si Tekla ang dalawang palapag niyang bahay na maraming kwarto at banyo na tamang tama pa asa kanynag pamilya.

May mataas na ceiling ang bahay na ito, maraming malalaking bintana at malaking balkonahe. 

Makikita rin ang magandang view mula rito.



Masayng ipinakita ng dalawa ang sala, dining area, kitchen, wash area, receiving room at mga kwarto.


Mayroon ding kwarto sa unang palapag na para sa ina ng komedyante upang hindi na umano ito mahipanag umakyat ng hagdan.


Hindi man ito ang ang pinakamahal at pinaka magarbong bahay na tulad ng sa ibang mga artista, sinabi ni Donita na masaya siya na magamit niya ang kanyang ipon at pinaghirapan para sa kanyang pamilya.


Sa huling bahagi ng video nagahayag si Donita ng pasasalamat at kasiyahan, “sobrang happy ako. Nakapa saya ko kasi natupad na yung isa sa mga pangarap ko… magkaruon kame ng sarili naming bahay na nuon ko pa inaasam. Talagang mahirap. Actually, before pandemic ko pa siya actually nakuha. Pero talaga nung pandemic hindi na ako umasa kasi nga sabe ko wala ng kita, wala na kameng trabaho.”


“Basta, importante is ’yung meron kang naipundar tapos kasama mo yung family mo, kasama ako, magkakasama tayo, ’yun ang importante,” dagdag pa ng komedyante



Narito ang buong vlog.

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment