Tuesday, January 19, 2021

Isang binata, ibinenta ang kanyang isang kidney upang makabili ng pinaka latest na iPhone!

0




 Isang alipin ng teknolohiya nag benta ng isa sa kanyang mga kidneys.

“Why do I need a second kidney? One is enough,” saad ni Wang Shangkun na nakaranas ng organ failure.



Noong 2011, isang Chinese teenager ang nagbenta ng isa sa kanyang mga kidneys upang makabili ng pinakabagong apple device. Kung kaya inialok ng 17-anyos na si Wang Shangkun ang kanyang kidney sa black market para sa halagang $4,500 AUD [$3,273 USD], ang pera ay gagamitin nya ang halagang ito upang makabili ng iPad 2 at ng iPhone 4.



Ibinunyag ng local Chinese media nito lamang na nagda-dialysis na umano si Wang at sa kama na lamang ito namamalagi dahil sa kanayang kidney failure.

Hindi nagtagal ay nagkaroon siya ng renal defici3ncy matapos ang ileg4l na operasyon, pinaniniwalang hindi malinis ang mga kagamitan noong inoperahan siya kung kaya't nagkaroon ito ng impeksyon at hindi pa naalagaan ang kanyang sugat matapos ang kanyang operasyon.


Napilitan din ang binata na huminto sa kanyang pag aaral dahil sa lubha ng kanyang naging kondisyon.



Siyam na mga tao ang naarest0 na may koneksyon sa nasabing kas0 at lima ang na syang umaani ng mga kidney kabilang ang surgeons ang siya ding naarest0 at nakulong noong 2012.

Nailabas sa balita na desperado na si Wang na makakuha ng pinaka latest na iPhone upang makapagmalaki sa kanyang mga kaibigan.



Sinasabing napapabilang ang pamilya ni Wang sa pinakamahihirap na pamilya sa China kung kaya't hindi nito kayang mabili ang nais nitong mga gadgets. Kung kaya umisip ang binata ng ibang paraan upang mabili ang kanayng nais.



Nangyari ang nasabing operasyon sa Chenzhou City sa Hunan Province China sa kamay ng dalawang doktor na parehong nagtatrabaho sa local hospital doon.



Sinabi ng mga eksperto na dapat ay si Wang ang  sumailalim ngayon sa transplant. Sinabi rin nila na ang isang kidney ng isang tao ay maaring magkahalaga  ng hanggang $366,000 AUD sa black market, na mahing 80 beses na mas mataas kumpara sa naging benta ni Wang rito.




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment