Wednesday, January 27, 2021

Isang batang babae ang natagpuang wala ng buh.ay matapos gawin ang isang challenge sa Tiktok!

0

Sa panahon ngayon marami na ang nahuhumaling sa social media. Marami ang nauuso sa internet na akala ng iba ay tamang gayahin at ligtas. Lalong lalo na ang mga kabataan.



Usong uso ngayong ang tinatawag na mga #challenge na kung saan ay pag sayaw, pagkanta, o pag gaya sa isang artista ang maari mong gawin. Ngunit minsan ay sumosobra na at hindi na kontrolado ang mga challenge na nauusong ito at kalimitang nauuwi sa kapahamakan.

Nababalita ngayon ang  isang 10-anyos na bata na nag wakas umano ang buhay na taga Silicy, Italy matapos nitong gawin ang nauuso sa Tiktok na "Black Out Challenge". Pipilitin ng isang user na i-choke ang kanyang sarili hanggang mawalan ng malay at magblack out.


Hindi inaasang matagpuan ang katawan ni Antonella Sicomero ng kanyang apat na taong gulang na kapatid sa kanilang paliguan kasama ang cellphone nito.


Agad na sinabi nga kapatid ni Antonella sa kanyang magulang na  nakita niya ang kanyang nakatatandang kapatid sa kanilang paliguan na walang malay.

Sa ngayon ay pansamantalang blinock ng bansang Italy ang app na Tiktok dahil sa insidente  dahil umano hindi talaga nito nasisiguro ang tunay na edad ng gumagamit ng naturang app.


Ang TikTok ay isang video-sharing network na pagmamay-ari ng Chinese company naByteDance. Ayon sa terms and conditions nito, dapat ay hindi bababa sa 13 taong gulang ang user.

Ayon sa pinakahuling pahayag ng Tiktok wala umano silang makitang content sa kanilang site na maaring nagtulak s 10-anyos na bata upang gawin ang hindi inaasahang bagay na iyon. Ngunit nangako naman ang pamunuan ng Tiktok na makikipagtulungan umano sila sa mga awtoridad kung kinakailangan.



"Our deepest sympathies are with the girl's family and friend."

We do not allow content that encourages, promotes, or glorifies danger0us behaviour that might lead to injury, and our teams work diligently to identify and remove content that violate out policies,” wika ng TikTok spokesman.



" While we have not currently found evidence of content on our platform that might have encouraged such incident off-platform, we will continue to monitor closely as part of our continuous commitment to keep out community safe," dagdag nito.

"We will also assist the relevant authorities with their investigation as appropriate."

Sinabi ng  Italian Data Protection Authority sa pahayag na iba-block nila ang TikTok sa Pebrero 15 kung hindi matutugunan ang mga hinihingi ng regulator.




Nagbabala naman ang mga medical experts kaugnay sa iba’t ibang challenge na tinatawag nilang “scarfîng” o “ch0king game” kung saan kakulangan ng oxygen sa utak ay nagreresulta ng pagka-high.

Ayon sa news site na ‘La Repubblica’, inamin raw ng 4-year-old na bata sa kanyang mga magulang na ang kanyang ate ay naglalaro ng “blackout game.”

Antonella was playing the game of asphyxiation,” ayon sa ama ng bata.

"My daughter, little Antonella, who d1es because of an extreme game on TikTok, how can I accept it?"

We didn’t know she was participating in this game. We knew that (our daughter) went on TikTok for dances, to look at videos. How could I imagine this atrocity?” dagdag pa niya.



Ayon pa sa report, inaatake ng cardiac arrest si Antonella ng madala ito sa ospital at may nakitang marka ng sinturon sa leeg nito.

Dineklarang brain dead na si Antonella at nasa "irreversible coma." Kaya naman pinili na lamang ng kanyang mga magulang na i-donate ang mga organs nito bago tanggalin ang kanyang life support.


"In this way, Antonella will save many children," sabi ng kanyang ama.
"We chose to say yes to the donation, because our daughter would have said 'yes do it.'
"She was a generous child. And since we couldn't have her with us anymore, we felt it was right to help other children," dagdag ng ama ni Antonella.

Sa ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon sa nangyari sa batang si Antonella.




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment