Tuesday, January 19, 2021

Isang babae, nagbabala sa mga naninigarilyo dahil sa hirap na sinapit ng kanyang kapatid dahil dito!

0

 
Nagbigay ng babala ang isang netizen sa mga taong labis kung manigarilyo. Saad niya tigilan na ang bisyong ito habang maaga pa.


Sa isang facebook post, sinabi ng netizen na si Sah Zamora ang ahat ng hirap na pinagdaanana ng kayang kapatid ng dahil sa paninigarilyo. Puman.aw ang kanyang kapatid na may stage 4 lung cancer.


Ayon pa sa post ni Sah sa loob ng anim na buwan ay maari kang mawala anu mang oras bast ikaw ay mag ganitong uri ng karamdaman.

Sinamahan nya umano ang kanyang kapatid na makipaglaban sa sakit na ito ng anim na buwan.



Dagdag pa nya nais nyang ibahagi ang kwentong ito dahil masakit ang mawalan ng minamahal sa buhay.

Paalala ni Sah pahalagahan natin ang ating katawan tulad ng pagpapahalaga ng mga taong nagmamahal sa kanila.



Sa ngayon ang viral sa social media ang nasabing post na ito ni Sah.



“Sigarilyo? = 6 months”

"Anytime sa loob ng 6 na buwan pwede ka nang kunin ni Lord kapag may Stage 4 Lung Cancer ka. Sa loob ng 6 buwan unti-unting kinakain ng cancer cells buong katawan mo. Pero pinakita mo ate ang tapang mo. Sa loob ng 6 na buwan , araw at gabi lumaban tayo. Dumating sa point na hindi mo na kilala mga tao sa paligid mo , pero ako? Si “bunso” never mo akong nalimutan. Ikaw at ako magkasama hanggang sa huling hininga mo.. 😥

So what if hindi ka NANIGARILYO at nag vape?

Siguro ini-enjoy mo tong dream house mo.
Siguro nagcecelebrate tayo ng birthday mo ngayon. Nagbabake at nagluluto sa magarang kitchen mo.
Siguro nasa orphanage tayo ngayon nagsheshare ng blessings mo.
Siguro palagi mong tinatakas si Reema.
Siguro nag-eenjoy kapa sa buhay kasama kaming pamilya mo.
Siguro walang 6 months. 😔

Pero nangyari na... Bago ka lumisan sa mundo galit kana sa naninigarilyo. Ayaw mo nang may nakikitang naninigarilyo dahil ayaw mong maranasan nila yung epekto at sakit na maaring maidulot ng sigarilyo sa katawan.



Ika mo nga”NASA HULI ANG PAG-SISISI”.

Sineshare ko to dahil masakit mawalan ng kapamilya. Na hindi ko pa rin matanggap pagkawala ng sister ko... Oo , Lahat naman tayo doon papunta. Ika nga “una una lang” sabi ng mga smokers. Pero sana ikaw na smoker pahalagahan mo din yung katawan na pinahiram sayo, tulad ng pagpapahalaga ng mga taong nagmamahal sayo. Sana iwasan nyo na manigarilyo. May oras kapa...

P.S. Happy birthday in heaven ate. Tuwing birthday mo gusto mong may natutulungan ka hindi ba? Sana makatulong tong story natin.

Sorry napahaba. Pwede mong ishare."

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment