Wednesday, January 13, 2021

Diego Loyzaga, matapang na ipinakilala sa kanyang magulang at mga kamag-anak ang kanyang girlfriend na si Barbie!

0

 

Matapos kumpirmahin ni Diego Loyzaga ang kanilang relasyon ng kapamilya actress na si Barbie Imperial, kaagad naman din itong inamin ng dalaga.


Kamakailan lamang sa kanyang instagram account, ibinahagi ni Barbie ang paborito nyang larawan nilang dalawa.


Sinabi niyang hindi nya inaasahan na makakabuo sila ng espesyal na pagtitinginann ni Loyzaga.


“Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one,” Saad niya.



Pinasalamatan pa nya si Diego sa pagpapasaya sa kanya at pagpaparamdam sa kanya na pwede siyang mahalin.



“Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you,”Dagdag pa ni Barbie.


Sinabi ni Barbie na masyado siyag "cheesy" dahil sa pinost niyang ito. Ngunit humingi siya ng pang unawa dahil minsan lang daw siya maging ganito kasaya,  “pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito.”


Dahil alam na rin ng publiko ang kanilang relasyon, madalas ng makikitang lumalabas at nagbo-bonding ang dalawa.


Nito lamang ay nakitang magkasama ang dalawa sa engagement party ni Ara Mina. Kasama nila ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga at si Sunshine Cruz. 


Sa kanilang larawan makikitang malapit si Barbie sa ina ni Diego.

Tila supotado naman ni Teresa ang relasyon nila Diego at Barbie.


Sa isang instagram post ng kanyang anak, kung saan kinumpirma nito ang relasyon sa dalaga, nag iwan ng komento si Teresa, “Happy looks so good on both of you!”



Nagiwan din ng payo si Teresa sa post ni Barbie para sa kanilang dalawa.



“Love each other. Respect each other. Protect each other. Speak kind words to each other. Speak kind words to each other. Be happy. You both deserve it,” Saad nito.


Matatandaang naging usap-usapan ang relasyon ng dalawa nitong Nobyembre 2020, kung saan nagcomment si Diego sa isang larawan ni Barbie na naka Bikini sa instagram. Namataan rin silang nagde-date sa isang museum sa Antipolo nitong Disyembre.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment