Monday, January 4, 2021

23-anyos na flight attendant ng PAL, natagpuang wal.ang buhay sa kanyang hotel room sa Makati!

0

Natagpuang walang buhay ang isang 23-anyos flight attendant ng PAL sa kanyang hotel room sa Makati nitong bagong taon lamang. Ito ay ayon sa mga pulis.


Nagcheck in sa isang hotel si Christine Angelica Dacera, 23 sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga katrabaho na sina Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, and John Dela Serna bandang 12:30 ng umaga nitong January 1.

Matapos magsaya buong magdamag nagising si Galida bandang mga 10 ng umaga at nakita si Christine na tila natutulog sa baththub.


Hindi na nila umano ginising si Dacera bagkis ay ipinaalam nila ito sa Hotel management at kinumutan ang babae at bumalik na umano siya pagtulog.


Nagising muli si Galida matapos ang ilang oras at nagulat siya na hindi parin natitinag ang katawan ng kaibigang si Christine at nagkukulay asul na umano ito. Kaagad nilang dinala ang dalaga sa clinic ng hotel upang matignan doon ay sinubukan siyang isalba ng mga doktor.


Binigyan ng paunang lunas ni Peter Ponongcos isa sa security manager ng hotel si Christine ngunit hindi ito nagtagumpay.


Sinubukan pa umano ng hotel managemant na humingi ng tulong sa rescue team ng baranggay poblacion ngunit wala umanong dumating na tulong kung kaya't naisipan nalang nilang dalhin ito sa ospital.


Ngunit nananatiling walang malay ang dalaga. Inilipat siya sa Makati Medical Clinic at dito ay idineklarang d3ad on arrival ang dalaga.


Sinabi ni Harold Despositar, Makati Police station Chief sa Pilipino Star ngayon na sinabihan ng ospital ag mga otoridad tungkol sa pagkawala ng flight attendant bandang alas-5 ng hapon nitong January 1.



May nakitang mga pasa at sugat sa buong katawan ni Christine at sinasabing naging sanhi rin ng kanyang pagakawala ay ang pagputok ng ugat sa ulo nito.

=

Sinabi rin ni Despositar na bukod sa mga katrabaho nito ay may mga nakasama rin umano itong mga taong noon lamang niya nakilala nung araw na iyon.



Nasa sampung katao ang nasa loob ng hotel room habang ginaganap ang kanilang private party.


Nakikipag ugnayan ang Coconuts Manila sa Makati Police ngunit sinabi ng mga ito na hindi pa umano sila handang magbigay ng update sa ginagawang imbestigasyon


Sa ngayon isinasagawa pa ang malalim na pag iimbestiga upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkawala ng flight attentant.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment