Saturday, December 26, 2020

Vice Ganda, masayang ibinalita ang paglipat niya sa kanyang bagong masyon.

0

Ipinagdiwang ni Vice Ganda ang kanyang paglipat sa kanyang bagong gawang bahay.

Ibinahagi ni Vice ganda sa lahat ang kanyang paglipat sa kanyang bagong bahay. Sa isa sa mga episode ng 'It's Showtime",Sinabi ni Vice na masayang masaya siya dahil sa wakas ay natapos na ang kanyang bagong bahay at sa wakas ay maglilipat narin sila.



Matatandaang nagkaroon ng 2-part housetour ang sikat na komedyante na ibinahagi niya sa kanyang Youtube channel.


Ilan sa mga itinampok ni Vice ay ang Spa, sauna at elevated pool na talaga namang kamangha-mangha.



Ipinakita niya ang kanyang industrial style house na may laki na 1, 300 square meters.



Marami ang namangha ng ipakita niya ang ilan sa kanyang mga kagamitan. Isa rito ay ang kanyang bathtub na nagkakahalaga ng Php.800,000 at kanyang toilet bowl na Php.250,000

“Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na bumili ng P800,000 na bathtub,” Saad ni Vice.


Sinabi ni Vice na binili niya ang ari-arian nyang ito limang taon na ang nakakaraan para sa kanyang lolo. Ngunit ng sumakabil.ang buhay ito ay nawalan siya ng gana upang ituloy ang pagpapagawa ng bahay.


Matapos ang ilang taon, nagdesisyon na syang ipagiba nag lumang bahay na naktayo rito at itayo ang nais niyang disenyo. Inabot ng tatlong taon upang mabuo at makumpleto ang kanyang bago at sobrang laking bahay.


Aniya plano talaga niyang lumipat sa kanyang bahay noon Marso pa ngunit dahil sa pandem1c ay kailangan munang ipagpaliban ito.


“Nag-lockdown, so hindi ako nakalipat. ‘Yung mga gamit na in-order ko for delivery, hindi siya na-deliver" Paliwanag niya.


At matapos ang siyam na buwan ay nakalipat na nga ang unkabogable star sa kanyang bagong tahanan.

Hindi maitago ang kasiyahan ni Vice sa kanyang paglipat.



Dahil matapos ang matagal na pag iintay ay matatamasa na nya ang katas ng kanyang paghihirap.




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment