Laman ngayon ng mga social media sites ang isyu ng dating magkasintahang vlogger-couple na si Caffey Namindang at Christian Merck Grey na mas kilala bilang MAKAGANDA at MAKAGWAPO o Meffey.


Nagviral ang magkasintahang vlogger na ito matapos ibulgar ni Caffey ang tunay na ugali at mga pinagdaanan niya kay Merck sa pamamagitan ng isang Facebook live.

Sa live ni Caffey, binunyag niyang ginamit lamang siya ni Merck para kumita ng pera at ang mga video nilang iupload sa Youtube channel ay scripted lamang. Pinilit din daw siyang magsuot ng mga revealing outfits para magkaroon ng maraming views ngunit P5,000 lamang daw ang binibigay ni Merck kay Caffey at sa Ina nito.

Lubos naman nagalit ang mga fans at netizens sa ginawang ito ni Merck. Marami ang nag subscribe sa channel nito at sandamak-mak na puna ang natamo nito sa mula sa mga netizens at fans.

Dahil dito nagpainterview si Merck sa kapwa niya vlogger na si Makag@g0 na kilala bilang isa sa mga taong laging updated sa mga issue sa social media, tulad nito.

Sa kanilang interview, tinatanong ni Makag@g0 kung scripted ba talaga ang mga ginagawa nila Merck sa kanilang Youtube channel, tinanggi naman ni Merck na hindi ito scripted.

Nilinaw din ni Merck ang mga issue at mga paratang sakaniya ng mga bashers sa interview.
Hindi naman daw kasi alam ng mga tao ang tunay na dahilan at mga pangyayari sa likod ng kamera kaya madalas daw silang nababash.


May mga bagay daw kasing hindi pwedeng makita o sabihin nila Merck tulad na lamang ng kung bakit lagi silang pinaghihiwalay ng pamilya ni Caffey.

Pinagdiinan ni Merck na lahat ng nangyayari ngayon ay totoo. Hindi daw siya gagawa ng issue para lamang sumikat. Pati raw ang mga nangyayari sa kanilang mga vlogs ay totoo.

Tinanong din ng isang netizen kung bakit laging pinakikita ni Merck ang dibdib ni Makaganda. Sagot naman ni Merck ang mga tao daw ang may problema, dahil kahit anong gawin daw nilang tama, yung mali pa rin daw ang pinapansin nila.

Narito at panoorin ang buong interview ni Merck kay Makag@go.
Anong masasabi niyo dito? Nagsasabi kaya ng totoo si Merck? Ibahagi niyo lamang ang inyong saloobin sa comments...
Source: The Philippine Times
