Tuesday, August 11, 2020

John Regala at Anak nitong si John Paul Kieffer, Nagka-Usap na sa pamamagitan ng Video Call

0

Dahil sa hindi maayos na kondisyon ng sikat na aktor na si John Regala, hinihiling niya na makita niya ang kanyang anak na ngayon ay nakatira sa Amerika.

Ang anak na tinutukoy niya ay si John Paul Kieffer, 25-years-old, anak niya sa una nitong asawa na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt. Ayon sa una niyang asawa, bagama’t aminadong hindi malapit ang loob ni Kieffer kay John, mayroon naman umano silang komunikasyon ng kanyang dating asawa.
Dahil dito, katulad ni John ay gusto rin umano ni Au na mapalapit ang loob ng kanilang anak sa kanyang biological father na si John.

“Hindi ko ipinagdadamot si Kiefer kay John. Well, in fact, even before I always told to my son na kausapin and daddy niya na si John Regala kasi malayo ang loob niya dito. I always remind him na it’s time for him to make bond with his biological father…

“Lagi ko siyang pinaaalahanan na kahit may pagkukulang kami ni John bilang mga magulang niya, sinasabi ko palagi na siya ang naging pinakamagandang nangyari sa amin noong nagsasama pa kami,” sabi pa umano ni Au.
At kamakailan lamang, nagkausap na at nagkita na ang mag-amang si John Regala at Kiefer. Nagpost ang dating asawa ni John na si Au sa kaniyang facebook account kung saan makikitang nag-uusap ang mag-ama sa pamamagitan ng isang video call.

Nais umano ng mag-ina na umuwi sa Pilipinas upang magkita at magkasama ang mag-ama dahil sa kasalukuyang kondisyon ng aktor. Ngunit, dahil sa pandemyang nangyayari sa buong mundo ngayon ay hindi pa muna ito matutuloy.
Ngunit sa oras daw na maayos na umano ang lahat, agad raw uuwi umano ang mag-ina ng Pilipinas dahil maging si Kieffer ay gusto na rin umano na maalagan ang kanyang ama na si John. Dagdag pahayag pa nga ni Au tugkol dito,

“To be honest, my son wanted to know more about his biological father. Nagka-videocall na rin sila and Kiefer and John was so happy, it made me cry as well as my husband Stephen.

“Gustong makita ni Kiefer ang daddy niya at alagaan kaya lang, because of the pandemic parang imposible pa ito. But we make sure na after this, uuwi kami sa Pilipinas para magkita na si John at si Kiefer."

“For now, we pray for his fast recovery at binilinan na rin siya ni Kiefer na magpalakas at magpagaling para ‘pag nagkita na sila, mas makakapag-bonding na silang mag-ama. Please include John in your prayers.”

Panoorin ang buong video dito!

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment