Sunday, August 9, 2020

Isang Netizen, Pinagmalaki ang kanilang naipon na P100k kasama ang kanyang BF! Paano? Alamin...

0

Sa panahon ngayon, mahirap na ang mawalan ng pera. Kaya naman maraming tao ang nahihikayat na mag-ipon dahil hindi madali maghanap ng pagkukunan kapag nagipit na. Mahirap din ang umasa sa ibang tao sa tuwing magkakaroon ng emergency.

Maraming paraan ang naiisip ng mga tao kung paano sila makakaipon. Ang iba ay nagiinvest sa mga bagay tulad ng negosyo, ngunit ang pinaka madalasa ay ang pagtatabi ng kanilang extra money sa banko o alkansya.
Gaya na lamang ng isang netizen na nagbahagi kung paano siya nakapag-ipon kasama ang kanyang boyfriend.

Ang netizen na ito ay nagngangalang Joanalyn Lapeña. Ibinahagi niya sa mga netizen ang kanilang paraan ng pag-iipon kasama ang kanilang boyfriend na si Wiser Sarmiento dahil sa loob lamang ng ilang taon ay nakaipon na ito ng P100,000.


Binahagi ni Joanalyn na noong 2018, nagsimula silang mag-ipon ng kaniyang boyfriend sa kanilang alkansya tuwing cut-off ng kanilang sweldo. Lagi daw silang nagtatabi ng tig isang libong piso para sakanilang emergency fund.


Ayaw na raw kasi nila na umaasa pa sila sa mga magulang nila, financially at sa mga luho nila lalu na daw sa future dahil dapat raw ay sila na ang nagbibigay ng pera sa kanilang mga magulang kapag sila'y nakapag-tapos na ng pagaaral.


Hindi na daw nila na malayan at umabot na raw sa P100,000 ang ipon nila. Nabawasan pa nga raw ito dahil nagpa-ayos daw sila ng bahay at bumili ng kotse. Ito ay galing mismo sa kanilang sariling ipon.



Ikinatuwa daw nila na mayroon na silang P100k ngunit di daw nila alam kung saan nila ilalagay ito o kung para saan nila ilalaan dahil may mga sarili naman daw silang ipon.
Naisip na lamang daw nilang magkasintahan na baka daw sa kanilang future baby ito nakalaan kahit medyo matatagalan pa ito dahil sa mga nangyayari sa bansa ngayon.



Gusto lamang daw ibahagi ito para mabigyan ng idea ang ibang mga couple na makapag-ipon ng walang naprepresure.
Narito at basahin ang buong post niya:

2018 nung napagkasunduan namin ni Bimu na mag-hulog kami ng tig-1k sa alkansya every cut-off .For emergency fund lang kasi ayoko talaga yung umaasa pa kami sa magulang namin sa financial lalo na sa future kasi dapat kami na yung magbibigay after grumaduate. Para din atleast bilhin man namin luho namin lalo na si Wiser, may isang libo kaming naitatabi.
Share ko lang kasi di namin namamalayan nasa 100k na pala sya ngayon. 😇 Nabawasan pa pala sya ng 40k kasi dito din namin kinuha yung pag papa-ayos ng papers sa bahay at kotse namin by sharing with our own savings. Kakatuwa lang na may 100k kami ng hindi namin alam saan ilalagay o para saan ilalaan😅 kasi may ipon naman kaming dalawa ng pangsarili.Siguro kay future bby summer talaga ito kahit matatagalan pa talaga. 🥰 Gusto ko lang i'share para bigyan ng idea yung ibang mag couple na makapag-ipon na walang mapepressure. 😊 Try nyo po. Wala naman mawawalan kasi pera nyo din yan in the end. Basta sigurado lang kayo.Mahrap mag-invest ng long-term goals kung hindi ka siguradong sya na talaga ka partner mo. Madaming away pa magaganap. Sumbatan kapag may hiwalayan. Pero kapit lang magtututo din tayo. Hahahahaha! Proud ako sating dalawa kahit isip bata pa tayo pa lage lalo kana Wiser Sarmiento 🤣💖

Anong masasabi niyo dito? Ibahagi mo na rin ito sa iyong partner para mainspire na din siyang mag-ipon kasama ka!


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment