Naranasan mo na bang ma-mention ng kaibigan, kamag-anak, o kakilala mo para mag-like at mag-react sa picture ng anak niya sa isang baby photo liking contest? Malaki ang chance na pinagbigyan mo na rin sila sa request ng mga ito bilang suporta. O di naman kaya ay sa sobrang kulit ng mga taong ito, nainis ka na at napilitan ka na lang mag-like o react.
Ngunit lingid ba sa inyong kaalaman kung ano talaga ang nangyayari sa likod ng mga contest na ito? Nais niyo bang malaman kung sulit ba ang mga nakukuhang premyo ng iyong kaibigan kapalit ng pagbandera ng mukha ng anak niya sa publiko?
Isang concerned netizen na isang ding mommy ang nagsiwalat ng kanyang saloobin sa social media matapos siyang mainis sa mga laging nag-memention sa kanya sa mga baby photo liking contest.
Ang netizen na ito ay nag ngangalang Lorie Orayan, hindi naman daw sa ipinagdadamot niya ang kanyang “like” ngunit may mas malalim pa pala na dahilan.
Narito at basahin ang kanyang buong post:
Bukod kay Lorie, isa rin si John Michael Villaflor, isang vlogger, na may kaparehang saloobin.
Ngayon na napagtagpi-tapgpi na natin ang totoong kalakaran ng baby photo liking contest, nasa inyong paghuhusga na kung karapat-dapat pa rin itong salihan.
Ano sa tingin ninyo mga mommies?
Samantala, tunghayan dito ang vlog ni John Michael Villaflor.
Nagpahayag din ng halo-halong reaksyon ang ibang mga netizen sa post ni Lorie, narito ang ilan sa kanila:
Source: The Philippine Times