Isang binata ang arestado nitong Lunes matapos niyang gah@sain at pata.yin ang isang apat na taong gulang na batang babae na humihingi lamang daw ng kaunting barya sa kaniya.
"Hindi ko po kayang tingnan... Napakasakit po sa akin... Tatay po tayo eh. Hindi na nga po ako nakatulog kagabi dahil kagabi umiiyak na din kami," ayon kay alyas "Ruben," ayon sa ama ng biktima.
Makikita sa crime scene na tinabunan na lamang ng mga dahon ang walang malay na katawan ng biktima matapos itong gaha.sain sa likod ng isang abandonadong bahay sa Caloocan City.
Muli daw itong binalikan ang kaniyang anak sa palaruan nang mga bandang alas-4 ng hapon at hindi na raw niya ito makita doon.
Nalaman na lang daw niyang nawawala ito matapos magsumbong ang isang residente sa barangay at sinabing nakita daw niyang kasama ito ng isang 17-anyos na binata.
"Nung medyo nahimasmasan siya kanina, inamin niya na siya ang kumuha sa bata... Dala ng kalasingan. Pinukpok niya raw ang bata dahil maingay," ani Police Maj. Allan Papa ng Caloocan police.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, gin@hasa at dalawang beses na pinukp0k sa ulo ang bata ng hindi pa tukoy na bagay.
Kinasuhan ang binata ng r@.pe with h0mi.cide pero dahil menor de edad ay hindi pa alam kung makukulong ito.
Nakatakda ring ipasailalim sa dru. g test ang suspek.
Source: The Philippine Times